Hindi man naging tayo
Nung una kitang makita ramdam ko ang saya
Nung una kitang makita ramdam ko ang saya
Mata ko'y nabighani sa iyong ganda
Akala ko magiging forever na tayong dalawa
Pero hindi pala tayo para sa isa't isa.
Ano ba tayo? Wala palang tayo
Kasi minahal kita hindi mo nadama
Kaya't hindi tayo para sa isa't isa
Kaya hindi tayo laging magkasama.
Alam ko kahit hindi naging tayo
Masaya parin ako na naging close tayo
Kahit papaano nakakausap parin kita
Hayaan mo basta kaibigan kita.
Minahal kita akala ko tadhana na
Ang nagbigay daan para sa ating dalawa
Hindi ko inakalang hangin lang pala
Ang nagdala sa'yo para sa iba.
Pag-ibig na ito'y pagkagulo-gulo
Di makatiis na lumingon sa'yo
Limot ang problema,ligaya'y nadarama
Kaya laging maging masaya para sa iba.
Salamat sa lahat kahit hindi naging tayo
Napasaya mo parin ako sa lahat ng oras mo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento